Tuesday, March 23, 2010

Vj appreciation post...:D

Posted by georgie

It's sad na halos wala na tayong contact sa isa't isa. Parang bang may kanya-kanya na tayong mundo ngayon. Eh sila geb nga na nandito rin sa Diliman halos hindi ko na nakikita (in fairness, si geb, tumaba yata.. hihihi:D or baka malabo na talaga mata ko..). Sa sobrang busy at immersed natin sa college life, sa fb na lang tayo nakaka-communicate.


Siguro nagtataka kayo sa title ng post na ito. (i'm not sure kung may magtataka pa ba, kasi halos hindi na binabasa ang blog na ito. baka sa huli yung chinese reader ng blog natin ang mag-cocoment sa post na ito.)Back to the topic, nag-ugat ang realization na iyon sa weird and very controversial post sa wall ni Kent na: "falling for someone is foolish especially is she has already fallen into the arms of someone else."

Syempre si fyubee na hindi magpapahuli sa pag-puna sa mga makababalaghang bagay na nakikita niya (in short suyaer (spell check??)) ay nag-comment. Ako naman, naki-epal at naki-comment na rin. At sa dinami-rami ng comment namin, yung conversation namin na nag-start sa post ni kent umabot kay pung-itan (paxenxa na sa iyo kung sino at nasaan ka man), sa mongoliod na maputi, sa kuko ni KEnt, sa melanin deficient snowman at sa TAUblog.

So yun nga, nag-simula kaming mag-reminisce ng highschool at binasa namin ulit yung mga older posts sa blog. While i was reading the older posts, narealize ko na maaring si VJ ang main star ng TAU.

Napansin niyo ba na most sa pinakamatatandang posts sa blog ay all about kay Vj? I know it's shocking, pero it's true (haha.. nagiging conyo na ang dating). Tapos naisip ko nung hs, parang lahat ng mata nakatuon kay Vj at inooserbahan siya na parang specimen sa ilalim ng microscpoe na nagawa ni fyubee na i-describe ang interaction niya sa ating lahat. (amazing!!!)

Unfortunately, hindi natin masyadong na pasalamatan si Vj. So ang post na ito ay iniaalay ko kay Vj. Nararapat lamang na pasalamatan natin si Vj sa lahat ng memories na ibinigay niya sa atin. Hindi ko na imemention yung mga memories kasi baka instead na mag-thanks ako eh lumabas pang joke. hehehe:D

VJ, salamat sa mga nakakatwang insights sa life. Paxnexa na kung pinagtatawanan namin ang pagka-emo mo up to a point na tinawanan ka namin kahit sobrang laki ng problem mo. Pero i don't think naging negligent kami sa concerns mo sa life, especially na ang pentagon (tama ba?) of friends na naging circle of friends na lang nung fourth year. Sana naramdaman mo ang suporta. hehehe:D

Hmmmmmmm... parang emo yata ang dating ng post ko ngayon. in fairness, hindi ko ma-imagine ang self ko an emo. psycho, moody, war freak o kalog pwede pa siguro. hihi.

So Vj, nasaan ka man (balita ko may crush ka raw na nag-start sa b ang pangalan na crush rin ni meri. source: Merish) sa maramdaman mo ang pasasalamat na ito. (kung may naramdaman ka na malamig na hangin na dumaan sa tabi mo o feeling mo may nakatingin sa iyo pero wala naman at nagkaka-goosebumps ka na, naramdaman mo na ang pasasalamat na inihatid ng isa sa mga party mates ko..:D)

p.s. as a representative ng tau girl dormers + aubrey, thank you sa chocolates. halos nabulok ang ngipin namin sa dami:D

@fyubi: last time sabi mo na it would be better if we talk about more serious things. this definitely counts as one, right? :D


---------> xoxo,
pinakamasamang babae sa sanlibutan

0 comments: