Tuesday, September 15, 2009

@#%#^%*^!!!1

Posted by georgie

pooohhtek... kainis naman. ung tinype ko para sa blog nawala!! argggggggggghhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!! gusto kong manakit ng tao!!!! uulitin ko nanaman yung tinype ko!!!!!! ano ba ang saysay ng SAVE NOW na button???


pfshhhhhhhhh..
well.... anyway, it's moi again. since wala namang gustong magpost ng anything ako nalang ang magpopost ng anything.

kanina sa chem 17 namin na lec, nag-lesson si sir ng naming complexes (may word ba na ganun???) in fairness, napakacomplex ng pag-name sa mga complex. (parang... ang salaysay ng kasaysayan ay isang sanaysay na may saysay na nagsasalaysay chuchuchuchu...). may mga tris, mer, cis, l, d, hexa, penta, iron, monthly period at photosynthesis na lumulutang sa isip ko. napaka lupit talaga ng tadhana. pero proud ako sa self ko na hindi ako nakatulog kahit na napakatempting na pumunta sa dream land. minsan kasi si sir parang ibong adarna. (pag nakatulog ka during the lesson, magiging bato ang grade mo) siguro next time dapat magdala ako ng labaha at kalamansi. para kapag inantok na ako, hihiwain ko ng labaha yung arm ng seatmate ko tapos pipigaan ko ng kalamansi yung sugat. sure ako, magigising ako sa screams ng seatmate ko. hihihihihi.

sa totoo lang naman, hindi yung lesson namin ang main topic ko. hindi rin ibong adarna, at mas lalong hindi ang paghiwa-sa-arm-ng-seatmate-ko-using-labaha-tapos-pipigaan-ng-calamansi-ang-sugat scheme ang main topic ko (pero kung gusto niyo yung ang pag-uusapan natin next time: 10 WAYS ON HOW TO STAY AWAKE DURING CLASSES). ang gusto kong i-share ay yung "inspirational" video na ipinakita sa amin ni sir after the lesson. watch it!!!( nasa baba)

i think ang lesson ng vid ay pag gumamit ka ng pantene, matututo ka mag-violin. pero may iba pa yatang meaning, hindi ko lang madetermine (waw. ryhme) anyway, nagjoke si sir. sabi niya ganun raw ang mangyayari sa amin sa exams, lilipad kung saan saang direksyon ang buhok namin. hmmmmmm.. naiimagine ko na kung ano ang hitsura namin sa exams. sana pwede i-capture ang hair flying moment.

dito na po nagtatapos ang story. :D

xoxo
bitterella
"ayoko sa putik!! akoyo sa walang tubig!"

3 comments:

diano_bryan090192 said...
This comment has been removed by the author.
diano_bryan090192 said...

sori.. dinelete q ang first post q... hehe


sbi q... npaka.inpsiring ung video....

akala q nga at first madrama siya pro joke time pla... hehe


m.try q nga ang pantene... hehe

kfernandez said...

waahpak..nice mn ang pntene..tsk.tsk
pro ang video??dude...aztig...weeeheeew...toinx.toinx...love it...ang corny yet nspiring...jai ho...woooah..heheh