Friday, July 10, 2009

FLYING JEEP!!!

Posted by georgie

gusto ko lang sabihin na...... HAPPY BIRTHDAY boyfriend JESSIL!!! kung hindi ngayon ang bday mo, advanced na lang or belated. hehehe.

siguro nagtataka kayo sa title ng post ko. wala lang. gusto ko lang i-share ang experiences ko sa mga nasakyan kong jeep. hindi na kagulat.gulat kung ang nasakyan mong jeep ay may mala-disco na sound system, especially yung mga jeep papuntang antipolo. most of the time, naiinis ako 'pag nakakasakay ako ng ganung jeep, kasi aside from the problem na parang binabasag ang ear drums ko sa lakas ng sounds (bingi ba yung driver? kung hindi pa, sure akong malapit na) ang jojologs pa ng mga songs na piniplay nila. minsan nga naiisip kong batuhin ng piso yung driver o yung kunduktor. kainis. pero there was this jeep na different from the other ear drum breaking jeeps........ yung inapatugtog ni manong, album ni rihanna. soshyal nga eh. hahaha.

alam kong iniisip niyo na walang ka-konek.konek yung kinuwento ko sa title ko, and i agree. wala talagang konek. pero totoo yung flying jeep, kahit na around 2 seconds lang ang itinagal namin sa ere at at 3 inches ang layo namin sa lupa. intense talaga ang take off at landing. super.

sa simula pa lang alam ko na special ang jeep na nasakyan ko. saan ka ba makakahanap ng jeep na tunog pump boat? super pump boat like yung sound ng makina na if i closed my eyes maririnig ko na yung waves at maaamoy ko na ang dagat. kung special ang jeep, dapat special din ang manong driver. si manong sa sobrang bilis magpatakbo, iisipin mong hinahabol xa ng t-rex o nung bumbay na inutangan nya. i think pwede na nga si manong maging cast sa "too fast, too furious" na movie. so yun, crazy driver + pump boat jeep + commonwealth highway = flying jeep.

sadly, sabi nga sa kanta ni alicia keys, "....what goes up must come down....".

after 2 seconds off the ground bumalik rin sa lupa yung jeep. ang funny nga nung nag.land yung jeep. yung mga pasahero (including me) nag-bounce sa seat ng jeep many times. kung hindi siguro todo yung kapit ko sa metal thingy sa bubong ng jeep, lumusot na siguro ako sa window at naiwan na sa highway. yung babae sa right ko nagrereklamo na na dislocate yata raw yung hips niya. ganun ka intense yung landing namin. nakakatajot, pero refreshing yung feeling. sino ba namang hindi ma-rerefresh. sa sobrang lakas ng hangin at lakas ng impact, feeling ko naalog ng todo ang super stressed ko na brain. wish ko lang, na kung mangyari ulit yung flying jeep phenomena sa akin, magprovide na sana si manong driver ng seat belts and oxygen masks para mas comfy. :D



miss you tau.. :D

quote from my p6 teacher: "T=m (a=g). what is the moral lesson? if there are no strings attached, there is no tension. this is the reason why maraming physics teachers na single."

7 comments:

ac08qbla said...

fyubi, pinatawa mo naman ako.. hehehe.. XP miss ya fyubi..

Anonymous said...

hardcore. parang nagbasa lang ako ng essay ng isang panpil major. tigas. hehe.

Jessil Ray Aguilar said...

thank you girl fried!!!

georgie said...

boyfriend... narealize mo ba na tinawag mo ako na "girl fried"???

haha.. wala lang.. :D

Keekers said...

Hahaha.
Bad timing for a laughter spell. Sakit daan tutunlan ko. Todo pa tani kadlaw ko. Masadyahan pa gid ko tani kun wala sakit pagmagkadlaw.

Jessil Ray Aguilar said...

ay sorry gid GIRL FRIEND!!!!!
hahaha!!!!
ka funny!!!1

-chester- said...

WHOA..
:O