Friday, December 12, 2008

confessions of a girl with mistaken identity

Posted by alexandra alvarez

ang arte ng title ko..hahaha...drama? di bagay...

ay naku. ewan ko ba. mukha ba talaga akong korean?
as i see it, mukhang hindi naman. mukha naman akong typical filipina.

bakit ganooooooonnnnnn???????


anyway...so much drama....haha...

ganito kasi yun...

koreans. nagkalat din sila rito sa uplb just like in any other places in this country.
one time, naglalakad akong mag-isa sa may freedom park(grounds ng uplb na pwedeng maging venue for rallies, exercises, concerts and PDAs kung maggagabi na (yuk!). at siyempre, hindi mawawala ang napakaspecial na function nito: ang maging lakaran. daanan.) papunta sa next class nang mapansin ko na ang shadow ko ay natabunan ng shadow ng iba. yun pala, may tumabi sa aking korean at kinausap ako. and guess what. in korean. hindi ko na pinatagal kung ano man yung chu2x na sinasabi niya kasi hindi ko maintindihan!

kaya sabi ko sa kanya, "sir, excuse me but i don't understand you. do you speak english?"

aba! at natameme ang lolo mo.hahahahhahahaha....

nagtanong lang ng direction. kala kasi niya kasama ako sa mga unang batch ng koreans na pinadala rito para maging exchange student. so yun. nagsorry naman siya.

this happened again. different month. different korean. same reason.

ano ba yan! palusot nila siguro yun. mga style nila bulok. haha...charing!

sabi ko, pagka nagkaron pa ng third time, naku! pagtitripan ko na lang...pang hapi-hapi. haha...

e nangyari nga. nung kinausap ako nung pangatlo, may pinagsasasabi na naman siya (as usual) na hindi ko alam! e naalala ko yung tripping ko...hahahaahahah...sabi ko, yari ka ngayon!

korean #3: achuchcuchcuhu, churva churva, shing shing, echos.

me: anyong aseo. (basta yung hello nila sa korean).

korean #3: achuchcuchcuhu, churva churva, shing shing, echos. achuchcuchcuhu, churva churva, shing shing, echos. achuchcuchcuhu, churva churva, shing shing, echos.


aba! at hindi ako tinigilan! sabi ko, patay! ako nayari.... T.T

me: sir, excuse me. i'm sorry but i'm not korean. i only now anyong aseo as a greeting. do you speak english?

ayun...natanga yung korean...mga ilang seconds pa bago siya nakapagsalita ulit. nakakabangag di ba?!
-----

kawawa naman kayo, heavygat ang mga sked niyo...ako kasi, ang luwag2x...pano ba naman kasi, yung isang major subject ko, hindi ako nabigyan...punuan kasi...chem17...kaya isusummer ko na lang...

magsusummer ba kayo?
-----

hanggang 17 na lang ang classes dito. actually pwede na kong umuwi ng 16 ng hapon kasi wala na kong class sa 17. kaso, sa 17 ng gabi, may party chuchu pa sa dorm. kaya sa 18 ng madaling araw na lang ako uuwi.

anyway, e di sa 16 may class pa kami. tapos, may bali-balita na may oblation run na magaganap dito sa uplb. APO raw ang mga matatapang at malalakas ang loob na magpakita ng kanilang mga kalooban. hahahaha...12 nn daw. e ang class namin ng math mula 11:30-12:45. so, nagmamakaawa mga kaklase ko...manonod daw sila... ewan ko ba...bakit ba excited sila dun? aside sa pagiging bold in public to show everybody na ang spirit and the value of the oblation ay nabubuhay pa sa mga iskolar ng bayan, meron bang intention ang mga mag-ooblation run na maging exebitionist? ewan ko lang...malay niyo...ang besides, hindi registered frat dito ang APO. kaya baka maulit daw yung nangyari last year sa oblation run. hinabol daw ng mga pulis yung mga tumatakbo...hahahhahahha...patawa!

magine!
-----

ito na lang muna. wala pa namang masyadong bago rito...kwentuhan ko na lang kayo ulit...hehe...

o cya sige, ingat!

luv ya tau!!!

miss you all.....


0 comments: